Friday, November 27, 2009

sA iSip LaNg

Ito'y pagpupugay sa mga kaibigang tunay
Na sa puso’t isip ay kailan ma’y di nawalay
Saan man mapadpad pagkakaibiga’y taglay
Sama-samang inaabot mga hangaring binuhay
Ito and simula ng pagkakaibigang makulay

Naalala mo pa ba mga nakaraang napakasaya
Kasama na rin mga lungkot na minsan dala’y luha
Mga tampuhan na kung iisipi’y sa ngayo’y nakakatawa
May tatalo pa ba sa ating mga ganitong eksena
Na sa pagdaan ng taon ay kaygandang balikan tuwina

Sa bahay nila Inay at Agus, sa Bulacan ay napadalas
Handa nila Nanay at Mama ay ubos at masarap na likas
Swimming nagkayayaan kaya daan sa Puerto Galera’y binagtas
Papunta sa Corregidor sa barko sama ng loob naibulalas
Na di mawari kung anong mangyayari sa pagdating ng bukas

Sa awa ng Diyos ating napagtagumpayan
Mga pagsubok sa atin ay kanyang pinapasan
Upang maging matatag para sa ano pa man
At sa tulong niyo kaibigan aking nalagpasan
Mga salitang magaganda sa aking loob ay nakagaan

Tayo’y nangarap, plano ay nabuo “Laudry shop” naitayo
Salamat kina Flora, Nelson, at Fria na naging abalang puno
Mga masasayang trip sa Subic palaging takbo
Kotse ni Inay at Agus dyan ay panalo
Masarap na tulog sa apartment nila Flora at Nelson ay isa pang panalo!

Di rin pahuhuli ang ating Tagaytay adventure
Siksikan sa kotse ni Agus ating nasurvive
Sarap ng kape at lamig sa Starbucks ay na endure
Sa maliit na kuwarto’y tabi-tabi’t walang demure
At sa Bag of Beans almusal ay mahusay!

San man mapadpad komunikasyo’y nandyan
YM chat siyang naging huntahan
Yahoo Mail naging sulatan
Yan ang patunay na kahit san man
Sa pagkakaibigang di mapapantayan

Salamat mga kaibigan ko
Kayo’y dumating sa buhay ko
Di ko man sinasabi mahal ko kayo
Sa aking mga panalangin kasama ko kayo
Di man tayo nagkikita nasa puso ko kayo!

Basta isipin mo lang….mangyayari!



No comments:

Post a Comment